Ang Tanay sa loob ng Apat Siglo
1606 - 2006
Taong 1571
Nang ika-16 ng Enero ay ibinigay ng Capitan General Miguel Lopez de Legaspi ang kapangyarihan
kay Capitan Juan Maldonado na sakupin ang mga naninirahan sa pangpang ng Ilog Morong at sa labing-isang bayan sa baybaying
ito na kung tawagin ng mga Kastila ay "Rinconada de Moron".
Taong 1572
Sinimulan na ang pagsakop at si Capitan Juan de Salcedo ang namuno sa mga Kastilang
lumusob sa baybaying ito. Sumuko ang mga baying nanga sa baybay ng lawa datapua't
ang bayan at nayon sa mga gulod at bundok ay hindi nakuha ng mga Kastila. Kabilang
sa mga naglalabang "tingues" o taga-bundok ay ang mga mamamayan sa Bundok ng Tan-ay (Monte TAN-AY) na ngayo'y tawagi'y Inalsan.
Taong 1583
Humiwalay sa bayang Morong ang visita ng Pilang-Morong at naging isang bayan na tinatawag
na Pililla.
Taong 1606
Nahiwalay ang visita ng Tan-ay sa Pililla at naging Bayan. Ang patron ng balangay na nakararami na dili iba't ang nasa Monte Tan-ay, na San Ildefonso, ay siyang inilagay
na patron ng bagong bayan ng Tanay.
Taong 1639 - 1640
Nag-alsa ang mga Intsik at dahilan sa pag-aalsang ito ay nasunog at nasira ang lumang
Tan-ay (Inalsan) at ang ikalawang Tan-ay (San Antonio o Lupang Bayan). Sumabog ang mga mamamayan datapua't nagtipon-tipon muli at pinagkayarian ang paglipat at pagtatayo ng bayan
sa pook na kinalalagyan ngayon datapua't patuloy din ang pagtigil sa mga pinagbayanan ng mga pamilyang gagawa sa mga lupa
doon. Kaya't natatag ang bayang Tanay sa lugar na ito at ginawang visita ang
dating kinalalagyan.
Taong 1896
Pinangatawanan na ni G. Gregorio Mendez (simboliko "Molawin") na kilala sa tawag na
Kabo Godyo ang pagpapakalat ng diwa ng himagsikan sa bayang ito sa pamamagitan ng lihim na pang-akit sa mga tao na sila'y
makianib sa Kataastaasan, Kagalanggalang na Katipunan ng mag Anak ng Bayan. Ang
mga kasangguni o kalihim sa pagpapalaganap dito ng Katipunan at diwa ng himagsikan at katulong-tulong sa pagpapalagda ng dugo
sa pagsapi (pacto de sangre) ay si G. Juan Jimenez (Bugtong), G. Gregorio Altamirano at G. Francisco Solano (Tala).
Taong 1900
Naganap ang Himagsikan sa panahong yaon, ngunit dahil sa kakulangan ng pagkain at kagamitan,
napasakamay ng Amerikano ang Tanay noong ika-10 ng Marso 1900. Taon pagkatapos,
ang lalawigan ng Morong at Maynila ay pinag-isa; tinawag ito sa pangalang Lalawigan ng Rizal.
Taong 1906
Ang bayan ng Baras ay isinama sa Tanay, at nakapagsarili lamang ito noon taong 1920.
Taong 1940
Ipinagdiwang ng bayan ang Tanay Tercentenary o ika-3 siglo ng bayan sa kinalalagyan
sa kasalukuyan.
Taong 1941 - 1945
Sa panahong ito, maraming samahang gerilya ang sumibol sa lalawigan. Ang tanyag sa panahong yaon ay ang grupo ng Hunters OTC at Marking Guerillas. Nakipaglaban at tinakot ang mga Hapon na may kinalaman sa pagpapatay ng mga tao. Dahil dito, maraming gerilyas sa Tanay ang napagbintangan at pinapatay.
Taong 1945
Nakamit nga bayan ang kalayaan noong Marso 1945, kasabay ang pagbubuo ng isang republika
bilang malayang bansa. Ang Rizal ay nagkaroon ng 26 na bayan at kabilang dito
ang bayan ng Tanay.
Taong 1975
Ang Metropolitan Manila Commission (MMC) ay natatag at labing-dalawa sa bayang sakop
ng Rizal ay napabilang sa Metropolitan Manila.
Naiwan ang labing-apat na bayan, kasama ang Tanay, sa ilalim ng lalawigan ng Rizal.
Tanong 2004
Isinagawa ang paglulunsad noong ika-27 ng Nobyembre 2004 ang ika-400 araw bago ang
pagdiriwang ng Kasaysayang Tanay.
Taong 2006
Ika-400 na taon ng Bayan ng Tanay! Ang saya saya...